top of page
![](https://static.wixstatic.com/media/bc3ec7bc825c4e6ca746c659189cea83.jpg/v1/fill/w_1920,h_1080,al_c,q_90,enc_avif,quality_auto/bc3ec7bc825c4e6ca746c659189cea83.jpg)
Ang pagsibol ng Makata
​
Hindi niya alam kung kelan ang unang beses
umalpas ang mga salita sa kaniyang dila
at nagkaroon ng sariling himig.
​
Maski ang huling beses na lumingon
sa durungawan at lumikha ng pelikula
sa kan'yang isipan, hindi rin niya tiyak.
​
Maaaring kailanma'y hindi siya magiging sigurado
sa petsa't panahon;
kung kelan ang una at huli;
simula at wakas;
pagsibol at paglanta.
​
Paulit-ulit man s'yang gambalain ng mga salita't retrato;
hindi man siya patulugin ng haluyhoy ng mga yumaong salita;
at mapagod man sa kakahabol ng senaryo sa kawalan,
mananatali ang kaniyang adhikain:
ang maging ganap na makata.
​
Kung kailan? Hindi pa niya tiyak.
bottom of page