Hindi niya alam kung kelan ang unang beses umalpas ang mga salita sa kaniyang dila at nagkaroon ng sariling himig.
Maski ang huling beses na lumingon sa durungawan at lumikha ng pelikula sa kan'yang isipan, hindi rin niya tiyak.
Maaaring kailanma'y hindi siya magiging sigurado sa petsa't panahon; kung kelan ang una at huli; simula at wakas; pagsibol at paglanta.
Paulit-ulit man s'yang gambalain ng mga salita't retrato; hindi man siya patulugin ng haluyhoy ng mga yumaong salita; at mapagod man sa kakahabol ng senaryo sa kawalan, mananatali ang kaniyang adhikain: ang maging ganap na makata.
Kung kailan? Hindi pa niya tiyak.
Kommentare