top of page
  • Writer's picturenephi tangalin

Pusa sa gabi

Updated: Jun 8, 2019




Hindi ako sigurado sa iyong nasasaksihan tuwing naghahari ang buwan sa kalangitan.


Hindi ako sigurado sa mga mata na meron ka na ‘di kayang makita ng mga kamerang nakapalibot sa kinaroroonan kong lugar.


Maaaring hindi rin ako sigurado sa mga iyak na naririnig mo— Sa mga tunog ng mga paa na tumatakbo palayo sa salarin.


Hindi rin tiyak ang dami ng patak ng dugong kaya mong masaksihan sa t’wing hindi na kontrolado ng salarin ang kan’yang mga kamay.


Hindi ako sigurado sa mga nasasaksihan mo at marahil Ikaw din sa nasasaksihan mo.


Hindi man sigurado pero nakasisiguro: Meron kang nakikita sa t’wing naghahari ang buwan at habang kami'y abala

sa mahimbing na pagtulog.

18 views0 comments

Recent Posts

See All

Ang Pagsibol ng Makata

Hindi niya alam kung kelan ang unang beses umalpas ang mga salita sa kaniyang dila at nagkaroon ng sariling himig. Maski ang huling beses na lumingon sa durungawan at lumikha ng pelikula sa kan'ya

bottom of page