top of page

Isang gabing naistranded sa Katipunan

Writer: nephi tangalinnephi tangalin


Noong unang beses humalik ang aking mga paa sa footbridge na ito sa Katipunan ay hindi ako sigurado sa naramdaman— maingay, marumi, umaalingasaw ang sari-saring ihi at dumi ng mga nanlilimos sa paligid, hindi rin nagpapatalo ang makatawag-pansin na mga pinta sa pader. Nakakatakot sa umaga, paano pa kaya sa paghari ng kadiliman sa gabi?


Hindi ko tiyak ang edad nito. Maski ang mga taong bumuo rito. Maaaring milyon-milyon na ang nakatapak sa footbridge na ito. Maaaring may ibang paulit-ulit itong binabagtas at maaari rin na may iba na isang beses at hindi na naulit.


Hindi man kaaya-aya sa karamihan ang tindig nito, pati ang hitsura ma’y mistulang kinatatakutan. Maaari ring ibulong sa hangin sa t’wing naabot mo ang tuktok nito, “Pambihira naman ang ingay ng mga sasakyan at mga takong ng mga naglalakad dito.” Ngunit hindi maikakaila na sa kabila ng paghahalo ng ingay ng bawat pagbusina ng mga sasakyan sa ilalim, tunog ng mga takong, at tunog ng bawat pagbanggit ng mga manlilimos ng, “pangkain lang” ay naging tahanan ko ito sa unang pagkakataon.


[Naisulat ito noong Mayo 8 nang kasagsagan ng pagbagsak ng malakas na ulan at kung saan unang beses akong naistranded sa Katipunan]. Maraming napagtanto ngunit ito lamang ang nais ibahagi sa publiko. Salamat.

 
 
 

Recent Posts

See All

Comments


  • Facebook Basic Black
  • Black Instagram Icon

Thanks for submitting!

bottom of page