top of page

Kwentong Kamatayan

  • Writer: nephi tangalin
    nephi tangalin
  • Nov 1, 2021
  • 1 min read



Ang kamatayan ay inevitable o katotohanan na hindi kayang takasan ng kahit sino.


Para sa iba, ito ay yugto lamang ng buhay katulad ng kapanganakan. ‘May ikalawang buhay pa’, ika nga nila. Para naman sa iba, ang kamatayan ng asawa, anak, kapatid, magulang, kaibigan, kakilala, at alagang hayop ay kamatayan din-- mas masakit pa raw sa sariling kamatayan.


May mumunting tinig din ang nagsasabi na ang kamatayan ay hindi lamang literal na pagtigil ng hininga o paghihiwalay ng katawang lupa sa kaluluwa. Pakinggan natin ang tinig na iyon. Sabi ng mumunting tinig ay sumasailalim din daw sa proseso ng ‘kamatayan’ ang mga taong ninakawan ng puri, tinanggalan ng boses at karapatan, inabuso, iniwan, pati na ang pagkawala ng (o pagkamkam sa) lupang pinaglibingan ng mga magulang. Maituturing din na kamatayan ang kamatayan ng mga pangarap at paniniwala.


Iba’t ibang proseso at bigat ngunit ang lahat ng kamatayang ito ay kamatayan din ng bahagi ng ating sarili.

 
 
 

Recent Posts

See All

Комментарии


  • Facebook Basic Black
  • Black Instagram Icon

Thanks for submitting!

bottom of page