top of page
  • Writer's picturenephi tangalin

walang pamagat dahil isang dakilang tamad ang manunulat

tw// sexual assault



Ngayong gabi, binulong mo sa ulan na magsusulat ka. Nagtimpla ka ng inumin. Sinuot mo ang paborito mong sweater. Naglalakad ang iyung mga daliri sa mesa. Kinuha mo ang gel pen. Isinulat mo ang unang salita. Tapos, tumigil ka. May kumalat na tinta sa malinis at bago mong papel. Kinuyom mo ang papel at tinapon. Bumunot ka muli ng malinis na papel. Sobrang linis. Sinulat mo muli ang salita. Madiin ang pagkakasulat mo kaya nabutas ang papel. Pinunit mo. Winalis ng kamay mo ang retaso ng papel. Bumunot ka muli ng papel. Ngayon, pursigido kang tapusin ang kwentong hinabi mo mula sa ilang gabing ‘di ka pinatutulog ng kulog ng nakaraan. Hinawakan mo ang gel pen. Hindi mahigpit, tamang-tama lang. Tinitigan mo muna ito, tinatansiya ang susunod na gagawin. Ibinaba mo muna ang gel pen. Sa katagalan, para ka nitong pinagbabawalang pakatitigan ang pagkakahubad. Binalik mo na ang panulat sa iyong mga daliri. Binihisan mo ang hubad na papel ng maraming-maraming salita. Lumapit ka sa may damit ng papel, sinusuri ito. May tumatakas na boses. Makinig ka raw. Lumapit ka pa nang kaunti para mas marinig ang boses. Nagpapasalamat pala. Salamat daw sa pagbibigay ng bagong damit. Tinanong mo kung nasaan ang luma nitong damit. Hinubad daw ng halimaw.


62 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page